Tunay nga bang kabataan ang pag asa ng bayan?

 batid kong batid ninyo ang ibat ibang uri ng karahasang kinakasangkutan ng mga kabataan kaya naman napahaging sa aking isipan ang winika ng ating pambansang bayani na ang "Kabataan ang Pag asa ng Bayan" tunay nga bang kabataan pa ang pag asa ng bayan 

Sa patuloy na pag lago ng bayan sa paunti unting pag angat ng lipunan di natin maipag kakailang katabi nito ay kahirapan ng buhay mga kabataang ang dating nais ay ang maglaro lamang dating panahon na ang alam ay tagutaguan at patintero lamang ngayon ay may mga upos na ng sigarilyo ang kamay waring hindi natatakot sa magiging lagay mga matang pulang pula na ang dahilan ay droga patayan nakawan maging kahalayan sino ang sangkot tama ka mga kabataan muli kung uulitin ang bigkas ni jose rizal " Tunay nga bang kabataan ang pag asa ng bayan? 

wag tayong tumingin sa iisang banda bagkus ilantad natin ang pag tatas ng watawat ng pilipinas sa ibat ibang larangan dahilan ay kabataan ibat ibang uri ng likha maging sa tagisan ng talino pilipino ay nakikipag sabayan medalyang naiiuwi ng kabataan ngayon muli kong uulitin ang tanong " kabataan ba ang pag asa ng bayan? 

hindi tayo ang nasa posisyon para humusga maging tayo ay kabataan parin lamang ibahin natin ng bahagya ang tanong "saan kabang uri ng kabataan kabilang?  

Tanong na mahirap sagutin san ba tayong uri ng kabataan kabilang tayo ba ay kabataaang nakikiisa sa mga gawang di tama o isa tayo sa kabataang nag aangat ng pangalan ng bawat kabataan tunay na nakakalito tunay na di ko mawari maging akoy naguguluhat anong uri ng kabataan nga ba ako ? 

may parepareho tayong kakayahan at mag kakaibang abilidad may pareho tayong pananaw at mag kaibang prinsipyo .Espesyal ang bawat isang kabataan may angking galing at talino marunong kumilatis ng tama at mali nasa atin kung paano tayong makikibagay nasa atin kung pano natin tingnan ang ating sarili at nasa atin ang desisyon kung saan nating gustong maging isang kabataan sa kabutihan o sa kasamaan 

ikaw ... saang uri ka ng kabataan nabibilang? tunay bang kabataan ang pag asa ng bayan?

 

Comments